Posts Tagged ‘Pasko’

Ang pasko ay sumapit!

Tuesday, January 6th, 2009

Haay, ang sarap naman din pala ng mahabang bakasyon. Na-enjoy ko talaga ng bonggang-bongga ang 11 days straight na hindi nag-iisip ng work. Sinadya ko talaga ko yun. At sa tuwing ma-te-tempt akong tumingin sa aking laptop bag, ay ibinabaling ko ang tingin sa ibang bagay, kagaya ng sangkatutak na toys ni Erin sa kwarto. Grabe, pag pumasok ka sa kwarto namin, puro laruan ni Erin na ang makikita mo. Minsan nga, feeling ko, lumipat na ang Toy Kingdom sa bahay namin. Pano ba namang hindi maiipon ang toys, eh halos araw-araw atang nagpupunta dun sa SM at Trinoma ang mag-ama ko. Ito kasing si Erin, mahilig gumala! May malaking nunal kasi sa paa. In fact, nagagalit sya kapag nakita nya ang lahat na nakabihis na, at hindi pa rin umaalis ng bahay. Nagsusungit, sumisigaw, at hahatakin ka palabas ng pinto!

 

Sabi ni Eboy, mahina daw ang kita namin nitong 2008 kumpara ng 2007… Siguro nga. Tag-hirap eh. At may bagyong Frank na nakaapekto sa mga isda ng palaisdaan. Tapos, shempre, mas tumataas ang gastos sa diapers, milk formula, at damit ng pagkaganda-ganda kong anak na si Erin (oks ba? Nanay na nanay ang tunog?). At, sabi ko ke Eboy, malamang, may kinalaman talaga ang Toy Kingdom sa pagbaba ng savings namin nitong nakaraang taon. Pero, palagi nyang sinasabi sa akin, na minsan nga lang daw magiging bata si Erin. Agree naman ako duon. Pero, mas okey pa rin sa akin kung araw-araw na lang niya ipasyal ang bata sa SM o kaya Trinoma habang walang binibiling maski ano. Pwede naman yun, di ba? Uso naman na ang window shopping ngayon, di ba? Ang stand ko, dapat ibibili lang ang bata ng special toy kapag may okasyon. Or else, baka hindi na niya ma-appreciate ang gifts… And another thing, minsan, mas fascinated pa sya sa kahon kaysa sa mismong laruan eh! No need to buy expensive toys, di ba??? Oh well, papel, ayaw lang din siguro umamin ni Eboy na siya talaga ang may gusto sa laruan, at hindi si Erin, kaya niya binibili…

 

Nung pasko, super dami pa ng nagregalo ng toys kay Erin. May maiingay, makukulay, matitigas, malalambot, imported, local… Siguro, meron kang mahahanap dito na magfi-fit sa maski anong regalo na naka-assign sa mga monito-monita ninyo.  Isang tip nga yun nanatutunan ng kapatid ko eh. Sa Toy Kingdom maghanap ng mga something soft, something slimy, chorva-chorva nya. At hindi ako nagkamali! Tuwang tuwa naman ang nakatanggap ng gift nya. Panalo!

 

Kaya nga, sino’ng nagsabing ang Pasko ay para sa mga bata? Pakiramdam ko, lahat tayo, naaaliw pa rin sa toys, at maaaliw pa rin, maski na anong edad na natin. Nung dinala ko nga minsan yung isang toy wand ni Erin sa office, eh nabaliw lahat ng mga ka-opisina ko! Kasi, tumutunog at umiilaw, tuwing pinipindot. Feeling fairy godmother ka talaga pag hawak mo yun, at sabay cast ng spell, at pindot sa magic button… *tinininining…*   Pakiramdam mo, natupad na ang mga wish mo! Like, maging palaka na sana ang naging cause ng stress mo nung araw na yun! Wehehe… Tapos, matinding halakhakan na. Oo, maski tawagin kang isip-bata in terms of play, ang saya-saya at ang gaan sa pakiramdam. Ang sarap maging bata. Sana pasko na ulit. J