Peace tayo eboy!

December 25th, 2005 by kakay-g

Si eboy palaboy

Singkulay ng kahoy

Kung minsan kolokoy

Ngayon daw ay good boy?

Inusisa ni kakay

May tangkang mga latay

Kung di man maratay,

Lagut ka ke tatay!!! (hehe)

Kaya etong si eboy

(Singkulay pa rin ng kahoy)

Hindi na palaboy

Sana forever good boy

Gown

Birthday Wishlist 2005

November 4th, 2005 by kakay-g

…Nais ko lamang magpasalamat sa lahat ng mga bumati at nagregalo nitong nakaraang birthday ko. Ang saya-saya ko talaga… Ayan oh, in purple lahat ng natanggap ko as of Dec 25, 2005 :)

Eto mga wish ko lang for this year: (sa mga grpm8s kong naghihintay ng list, eto ang idagdag nyo sa shopping list nyo. kayang-kaya nyo ito)

  • Silver stud earrings (does not have to be expensive, basta simple lang na pwede ko isuot sa office, at hindi naman mashadong ka-holdap-holdap dahil nagco-commute lang po ako.)
  • Red jacket (ok lang sportie, pero mas ok ang smart casual para pwede rin sa office) - large ang size ha. sa mga boys, wag na kayo umasa na kasya sa akin ang medium… kapag medium kse, merong butones na hindi magsasara. BASTA! (haha)
  • Ultra Smooth Face Base 05 from The Body Shop (05 is the tint)
  • Bench Fix Straight a-head Hair Straightening Serum
  • Bath and Body Works PLEASURES Green Apple body lotion
  • magandang Denman comb
  • Gap Heaven body spray (pwede ring eau de toilette kung mayaman ka)
  • X-tenso treatment (eto, kinda mahal ito… Calling my tita who’s an RN in the US, yoohoo… mag-parlor tayo pag uwi mo)
  • a good manicure and pedicure (masaya ito if done with girl friends) - (Thanks Ems!)
  • foot spa (sana package deal with item above)
  • swedish massage (sakit na kasi ng balikat at likod ko sa kakabitbit ng notebook araw-araw habang nakikipagsiksikan with mga MAMANG MATONs at the MRT)
  • digicam (eto, pag-iipunan ko pa ito)
  • Magic Sing (or pwede ring videoke nights na lang with you people… yah, you! ikaw na nagbabasa, gusto kita maka-videoke para masaya)
  • Trip to Manila Zoo (Thanks Ninay, for cooking for me my favorite spaghetti)Ahas
  • Takot na takot si jober… Actually, nangangatog kaming lahat sa paghawak ng mga ahas na iyan! Yikes!
  • MYMP Concert with Southborder and Janno Gibbs (Thanks Eboy, this is the greatest birthday!)
  • Above all, i wish for more time for myself… hindi na kasi ako nakakapag-drawing, o sulat, o muni-muni in my room… haay… (got this during Christmas time… sarap mag-dawn mass)

Salamat din nga pala sa lahat ng makukulit kong officemates!!! Tama bang ipaskil ninyo lahat ang piktyur namin sa janno sa buong 7th floor??? Syet… Kunsabagay, ok na rin yun at napansin ng boss ko, kaya nagpa-lunch tuloy sha sa buong department for my bday! Bwahahaha! To my dearest friends, lalo na to my groupmates, thank you thank you thank you!!! Mmmmwah!

Sino Nga Kaya si Max?

October 16th, 2005 by kakay-g

Kagabe, nagkaroon kami ng debate kasama ng aking butihing grpm8s tungkol sa nakalagay na tanong sa isang billboard sa EDSA… Sino si Max? At ayun, unti-unti na naming sinipat ang mga posibilidad…

Sabi ni AIMEE, malamang si Max ay yung may ari ng Restaurant, kasi sa kanya nga naman nagsimula ang paghahain ng ganung klase ng fried chicken. Sa may-ari ang manok, at sa may-ari ang restaurant.

Ang sabi naman ni JOBER, si Max daw ay ang cook, kasi ang tinutukoy sa katagang "Max’s Fried Chicken" ay ang recipe ng tiga-luto. Nag-iisa lang daw ito, at kakaiba, kaya ipinangalan ang resto sa cook.

Sa palagay naman ni JAYVEE ay hindi tao ang sinasabing Max, kundi manok… Ito ay dahil sa ang "Max’s Fried Chicken" ay talagang kinuha sa full sentence na "Max is Fried Chicken!" (Oh, hindi ba? Kung hindi ba naman talaga kakaiba ang hirit ng babaeng ito? hehehe…)

So, sa mga inilahad na mga argumento ng mga grpm8s ko, kanino kaya kayo papanig? You may send in your votes by typing "MAX [space] Grpm8 of your choice [space] Your Name [space] Comments" and send in to Comments at the bottom of this blog.

Pautang!

October 13th, 2005 by kakay-g

Pautang naman ng tulog, para pag dumating ang pagkakataon na kailanganin ko ng extra lakas, may baon na ako… Pautang ng mga ngiti, para hindi ako maubusan maski na hawahan pa ako ng kabwisitan ng kausap kong masungit… Pautang ng konting yakap para hindi ko naman mashadong ramdam ang aircon ng mga kalye… Pautang ng mga halakhak para pag umuuwi ako galing trabaho, kaya ko pa ring tapatan ang kakulitan ng mga aso sa bahay… Hayaan mo, kapag medyo nakaahon-ahon na ako, babayaran din kita, kung gusto mo, may interes pa…

Workaholic ba ako?

August 18th, 2005 by kakay-g

Workaholic nga ba ako? Tuwing umaga, wala na ako sa bahay ng 7am, babyahe patungong Makati ng mga dalawang oras, by tricycle-taxi-mrt-taxi ule. Tapos, pagdating ko sa office, madalas magsusuklay ako (kse maghapon na akong hindi makakapagsuklay ule). Pagkabukas ng comp ko, dire-diretso na ang mga sagot sa email, tawag sa telepono, sagot sa cellphone, text sa kung sinu-sino, meetings, paglipat-lipat sa ibang floors para makipag-usap kung kani-kaninong boss… Tapos, lunch na, kakain lang sandali ng pagkaing pang-ospital dyan sa may canteen, shemps maalat na naman ang sabaw. Pagkatapos ng ilang kwento about showbiz, doggies and love teams within shell, balik ule sa workstation para maglabas ng mga dokumentong natambak sa inbox ko, matatabunan ng mga papel sa desk, pindot-pindot sa calculator, sulat-sulat sa mga dokumento, maninigas ang mga daliri sa maghapon na paggamit ng mouse, maduduling sa kakatingin sa mga numero sa monitor, madadagdagan ang papel sa desk ko, makakaganti rin naman sa mga boss dahil sa kanila ko naman sunod na itatambak ang sandamakmak sa dokumento… hanggang sa hindi ko namamalayan, 6pm na. may kailangan pa akong i-fax. syet, tapos na ang opis sa labas. pero ako, nagsisimula pa lang mag-init. haay… hindi ata talaga matatapos ito. baka ako pa ang tapusin ng mga dokumentong ito ah… hindi kaya? araw-araw akong 10pm umuuwi. pero, masaya naman ako eh. baka nagkataon lang na ito rin ang napili kong hobby??? at hubby??? hehe… oh well, walang pakialamanan!

i miss my grpm8s

August 11th, 2005 by kakay-g

i miss my grpm8s. i miss group works. miss ko na yung feeling ng pagka-taranta sa pagta-type ng powerpoint presentation habang bumabyahe papuntang UP, kse kami yung magrereport, at late na kami. miss ko na yung mga gabi ng trabaho sa andami-daming case studies, pero mas maraming oras ang nabubuhos sa kulitan at tawanan. miss ko na yung mga three-hour lunches / dinners na hindi maubusan ng kwento ang feeling-macho na si renan. miss ko na ang pagpapakyut ni badz sa lahat (no exceptions ha, maski na sa pinaka-terror na prof!). miss ko na yung mga panggugulat at pananakot kay combative at panikerang aymi. miss ko na yung pilit na pag-claim ni chrissie na magaling sha kumanta (at feeling nya ka-boses nya si lani misalucha). miss ko na yung lectures ni chiara on Flirting 101.  miss ko na ang lectures ni rica on Selective Flirting 118 (para sa mga nagme-major na ito). miss ko na ang pagiging strikta ni jayvee (bawal matulog!!!). miss ko na ang maganang pag-kain ng backpacker na si jober (kinakain nya ang kahit ano, maski na ata panis na ispageti). miss ko na ang malakas na pang-aasar ni james cabral! (anlaki pa rin ng MATA mo, mas malaki pa kay chrissie!) miss ko na ang mga tequila bday parties at punasan ng icing, with matching pyramid-building and shootingstar-gazing sa damuhan ng garden namin. HOY! minsan nga, magkita-kita naman tayo… teka, saan naman tayo kakain? mukhang aabutin na naman ng isang oras na pagtambay, diskusyunan, botohan at debate kung saan kakain… Jollibee na lang, for a change. :)