To Die Yet

Hello everybody in the whole wide world! Ang tagal tagal ko palang nawala! Grabe. Ayan, super na-tengga tuloy ang blogspot ko dito sa friendster. Kilala nyo pa kaya ako?

Anyway, ano nga bang balita sa akin ngayon? Eh di heto, nagpapapayat forever to lose my post-pregnancy weight gain. Aba eh, 14 months old na ang anak ko, hindi ko na pwedeng idahilan ang pagbubuntis sa pagiging overweight ko ng mahigit 33 pounds! Hindi na uubra eh.

I had my annual check-up last August. At pesteng mga doctor yan! Aba’y tatlong iba-ibang doctor, akala mo nag-usap-usap dahil iisa lang ang recommendation nila sa akin! To lose weight. Sabi ng Endo, Obese Type 1 na daw ako. Sabi ng OB, I have polycystic ovaries, and as a result, I do not ovulate regularly, and ang cause daw nito ay ang aking pagiging overweight. At ang sabi ng Ortho doctor, I have lumbar lordosis, and because of this I cannot carry anything heavy. Kung di nyo alam kung ano ang lumbar lordosis, aba’y eh di i-google nyo! Hindi naman ako doctor para mag-explain ng medical terms noh! (taray ba? pero in fairness, nahilig na rin ako sa medical terms dahil sa kakanuod ng grey’s anatomy) Basta ang pagkakaintindi ko, kung ang scoliosis ay pa-kuba, ang lordosis ay pa-liyad. Ganun! So, dyan sa mga tao na matagal na akong inookray na parang bibe sa laki ng pwet ko, hindi po kasalanan ng pwet ko ito, ok? The normal degree is 45, and I am 60. So, nasa spinal bone ko po yung pagkakaliyad ng pwet ko, ok??? (Renan, gets mo ba yun, ha?)

So, dahil sa inis ko sa mga doctor, kailangan ko na talagang magpapapayat. Dahil hindi ko rin pwedeng kargahin ang aking napakagandang anak na si Erin who is about 11 kilos now. Or else, I will have the tremendous lower back pains again every night.

Diet, diet, diet once again ang lola nyo. Alam naman nating lahat na hindi umubra ang “See-food” diet ko nuon. So, I am returning to what worked best for me in the past, which is modified Atkins (minimized carbs intake), and amoy-lang-and-no-bite for desserts and anything sweet. Plus, of course, advise from the best Doctor in the whole wide world, my dearest Doctor Owen.

Ayan, in the past 10 weeks, I have been eating yogurt for breakfast; mixed fruits (usually papaya, watermelon, melon, pineapple) and calamansi juice for lunch; a piece of biscuit for snack (the key here is not to finish the whole pack of the biscuit. tikim lang, and then I pass it over to my glamorous seatmates Marky and Lory); …and then two bowls of rice for dinner (JOKE!). For dinner, I usually eat the viand that’s served at the table (most of the time fish or chicken). During the day, I drink at least two liters of water (doesn’t matter if it’s cold or not). Basta, inom lang ng inom! Tapos, wiwi din ng wiwi. Warning lang, nakakapanghina ang halos walang carbs. Minsan, pag nakauwi na ako, gumagabay na ako sa mga dingding ng hallway, para makarating lang sa pintuan ng apartment namin. So, I nourish myself when I get home, kundi wala na akong energy to play with Erin. Kumakain pa rin naman ako, in small servings nga lang.

Now, I have lost 14 pounds so far. So  I need to lose 19 pounds more to get back to my dalaga weight. Pero, hindi naman ako nagmamadali. At least now, hindi na ako penguin maglakad. At wala na ang backpains ko sa gabi.

Kaya lang, nagagalit naman sa akin ang sister kong si Jo Rose. Kasi everytime makikita kaming magkasama, palagi siyang nababati na kelangan magpapapayat, kasi na-co-compare sa akin. Well, in fairness to her, my real face shape is oval, so halata talaga ng lahat when I lose weight kasi humahaba ang face ko. Jo Rose naman, on the other hand, has a round face, so maski na mas malaki ako sa kanya, minsan, mukhang siya ang mas malaki sa akin. Gets? Madaya lang tingnan. So, sis, don’t let them get into you, ok? Mag-diet na lang tayong dalawa.

Come on, let’s die yet! (hehe)

Tags:

Leave a Reply