33 weeks! Yey!!!

Sorry, medyo natagalan ang update ko sa aking difficult pregnancy ha… Hindi ko ma-imagine na ganun na pala katagal ang nilipas ng mga araw. I’m on my 33rd week of pregnancy now. Wow, ang galing noh? Anyway, to update you of what happened in the past weeks, eto ang mga kwento ko:

Welcome to Media!!!

Isa sa mga mino-monitor ng OB sa buntis ay ang sugar levels nya. Risky kasi for the baby kapag diabetic ang nanay. Pwedeng maging diabetic din ang baby. At may tendency na lumaki ng sobra ang baby to the point na oversize sya at mahihirapan sya ilabas sa womb. May cases nga daw na kailangang i-dislocate muna ang shoulders ng baby para mailabas at saka ibabalik sa tama. Ang pinakanakakatakot, there have been cases daw of fetal death with moms na may GDM (Gestational Diabetes).

I first took my OGCT (Glucose Challenge Test) last Jan, when I was still 7 weeks pregnant. Normal naman ang results. And then, pinaulit ito ng OB nung 20 weeks na ako. This time, mataas daw ang results, so I had to take another test OGTT (Glucose Tolerance Test) to see if it’s diabetes. Super kabado ako nung time na pinag-test ako. The OGTT takes around 3-4 hours to finish, while on fasting. Meron pinainom na glucose solution after the first blood extraction. And then, kukunan ng dugo every hour. Buti na lang, I already knew about this procedure beforehand so I brought a Sudoku booklet with me to keep me busy during the gaps. Nung umuwi na ako from the lab, at habang nag-aantay ng resulta which I would get the next day, super natakot ako. I was worried for my baby. So, I kept on praying na sana ok ang lahat. I also sought prayers from my friends and family.

When the results came out, I called my OB and she scheduled me for an appointment with an Endocrinologist. So, ayun, nadagdagan nga ang doctors na dinadalaw ko. The endo said I had gestational diabetes – ito yung nagde-develop kapag buntis na kinakatakutan ko. Mas prone daw dito ang mga may family history ng diabetes at yung mga overweight. In my case, both of my parents have diabetes. No comment na lang sa aspect ng pagiging overweight.

Sabi ng doctor, I have to monitor my sugar levels twice a day – once before breakfast and another one after a meal. Ayun, month of May, natuto ako magtusok-tusok ng mga daliri ko, maski na nanghihina ako at the sight of blood… maski konting dugo lang ang nakikita ko, nagiging parang marshmallow ang mga kalamnan ko noh! Yikes! Pero after a while, I got the hang of it na, and it’s not so bad naman.

Nung ibinalita ko na sa mga tito at tita ko na may diabetes ako, ayun lahat naman sila winelcome ako sa Media – as in, “me diabetes”! Wow, kaya pala mga sugarfree ang mga pagkain sa kanila. At least, may kadamay naman ako, d ba? Shempre, ni-remind din nila ako to be careful.

Karen- Diet, diet, diet…

Kasabay ng blood sugar monitoring ko ay ang pag-maintain ng balanced diet. My endo doctor referred me to a dietitian/ nutritionist. At nadagdagan na naman ang mga binibisita ko St. Luke’s! Ang saya talaga… At pati sila-silang mga doctors ko, naging friends na dahil sa akin! Nagkakape ata sila over my case. Haha…

My nutritionist gave me a diet plan. The plan consists of three full meals, with a serving of protein (fish or lean meat/ chicken), two servings of carbs (a serving is half a cup of rice), two servings of vegetables and a serving of fruit.  Meron din namang three snacks in between these full meals consisting of a glass of non-fat milk, one serving of carbs, and a serving of protein (no fat).  I had to switch from low fat milk to non-fat… tsk, tsk.. kung kelan pa naman nakahanap na ako ng kasundong gatas ng tyan ko! Mag-a-adjust na naman ako.

With the diet, feeling ko, successful naman ako, kasi bumaba naman ang blood sugar ko at hindi ko kailangan mag-inject ng insulin. Kaya lang nung nagpa-ultrasound ako two weeks after I started my diet, sabi ng sonologist, underweight daw si baby at mababa ang level ng amniotic fluid ko (konti yung tubig ko sa uterus). Baka nasobrahan daw ako sa diet. So, dinalaw ko uli ang OB ko at ang Endo ko para ibalita yun. They had to revise my diet para dagdagan ang protein intake ko. Pwede na raw ako mag-steak, basta once a week lang. At dapat kumain ako ng eggwhite everyday. Pinalitan din ang multivitamins ko at nagdagdag pa ng milk as added supplement. Shemps, ipinaalam din nila yun sa nutritionist ko. So, malamang, nagkape na naman ang mga yun. Hahaha… 

My Little Kakay!

Despite the many many worries in my head, I was excited nung 5 1/2 months na ako at pwede ng malaman ang gender ni baby. Gusto ni Eboy, lalaki (kagaya ng gusto ng karamihan sa mga tatay). Ako naman, maski ano, pero masaya rin kung magiging babae. So waiting kami for our turn sa ultrasound room, nagpupustahan na kami ni Eboy, bet nya ang lalaki, ako naman ay babae. Nagtatawanan kaming dalawa habang bumubulong siya sa akin ng  “Boy!”; sasagot din naman ako ng pabulong na “Girl!”.

Sabi ng sonologist, sure daw siya na girl! Haha… It’s going to be a little Kakay! I was so excited. Si Eboy naman, medyo disappointed na natalo sya nung una, pero nung pag-uwi namin sa bahay, ipinamalita na nya sa sambayanan na babae ang anak nya! Sabi ko kay Eboy, magkakaroon din sya ng baby boy in God’s time.  Mabuti ito, meron munang Ate sa pamilya.

I also read from the net na sa generation na born 2000 onwards, mas marami na raw ang males kesa females. Unlike sa generation namin na 1980’s, na 10 lang ata ang mga kaklase kong lalake, habang 30+ kaming babae.

Anyway, with Little Kakay facing the risk of Mama’s diabetes, the OB gave me steroid shots that would help develop the lungs of the baby. With the steroid shots, mas kakayanin ni baby mag-survive just in case of a pre-term labor. So, medyo prepared na rin si Little Kakay.

Likot-Likot

Nung nag-six months na ako, super likot na nitong baby ko. Hirap na akong makatulog sa gabi kasi maski late na, ikot pa rin ng ikot at sipa pa rin ng sipa si baby. Masyado atang na-stimulate ng mga tugtog ni Vivaldi at Mozart.

Malikot din kapag bagong kain ako. At kapag nagpapatugtog ako, parang sumasayaw sya sa likot. Sa umaga, siya rin ang nanggigising sa akin. Siguro, sinisipa na ako dahil gutom na sya. Ay, super takaw nitong baby kong ito. Every three hours kaming gutom. Kung gusto nyong makita kung gaano kalikot, eto ang video ng alien moves nya… (chaka nga lang ang tyan ko ha, dahil sa stretchmarks. Pero ika nga nila, this is the essence of being a woman!)

Baby’s alien moves

Pero may mga araw din na hindi siya malikot. Kapag mga ganitong araw, nagwo-worry ako. So, kapag medyo matagal siyang hindi gumalaw, ginigising ko sya by changing position (hihiga ako sa left side), or by touching my tummy. Like in this video…

Responding to Mama’s Touch

Peng’s Happy Feet

Ang daming physical changes na nangyari sa akin ha! Halata nyo ba, hindi ako nagpo-post ng pictures ko ngayon??? Pero kung curious talaga kayo, kukwentuhan ko na lang kayo ng itsura ko ngayon.

Una na yang stretch marks sa tyan, sabi nila hindi na daw nawawala yan eh. Mag-la-lighten lang ang color, pero hindi mawawala. Syet… Meron din akong small pimples sa bandang leeg at dibdib. Buti nga, nawala na ang rashes ko nun na super kati.

At ang kilikili ha! Exagg ang color pigmentation. Sabihin na lang natin na may ilan ng nagtanong sa akin kung Kiwi daw ba ang deodorant ko!?! Tama ba naman yun? Bastusan na talaga yun ah.

Tapos, pinaka-obvious ang pag-gain ako ng weight. Malapit na ako sa 35-pound limit, eh I have 5 more weeks pa to go. Ang bigat ng feeling ko at ang laki-laki ko na. As in yung tyan ko, palaging sumasayad sa kung ano-ano – sa dining table, sa work table, sa pinto kapag sinasara ko (lalo sa banyo, halos di nako magkasya), sa pagitan ng mga kotse sa parking lot, at kahit sa mga tao sa elevator. Nung minsan nag-attend ako sa binyagan na buffet ang kainan, at sabi nila nung pauwi na ako, ang dami ko raw nakain sa laki ng tyan ko. Haha…  At sabi ng nanay ko, buntis daw ako sa harap at likod. Mukha na akong butete sa laki ng tyan at pwet. Anuu bah!

Tapos, dahil siguro sa malaking shift ng center of gravity sa katawan ko, eh weird na ako maglakad. Madalas sa office, ginagaya nila ako maglakad. Parang penguin. Left, right, left, right. Peng na nga ang tawag sa akin ng iba eh.

Haay naku, ang hirap talaga maging nanay, nahihirapan ka na nga, mapipintasan ka pa. Pero I’m sure, paglalambing lang naman lahat ng pintas na natatanggap ko. Term of endearment lang ng mga bansag na yun. Maraming nagmamahal as akin eh.

Countdown

Now, at almost 8 months, nagpapasalamat talaga ako na malapit ko na makita ang baby ko! At very good kaming dalawa ni baby sa ipinakita naming progress with my pregnancy classified as high-risk.

During my first and second trimesters, I had pains in my lower back, which is one of the symptoms of pre-term labor. It was the same pain I had in my last pregnancy when I lost my baby at 22 weeks gestation. That’s why my OB strongly advised me to take bed rest. Thanks to my considerate boss and my company employer, I was allowed to work at home, attending and holding meetings via telecon and submitting deliverables via email. Kinaya namin ni baby, without having to lose my job.

On my struggle with diabetes, I now have normal sugar levels, without having to take insulin shots. Thanks to my doctors who were persistent in monitoring my progress. Thanks to my very supportive Eboy, who sometimes made our home a “Bahay-Kubo”, sa pagbili nya sa halos lahat ng gulay ng kanta para sa diet ko.

My baby has now reached a normal size and my amniotic fluid has matured and is now on a normal level too. Her lungs are working ok. Heart rate and movements are also good. Thank God, He took care of my baby. He also took care of me, as I was relieved of my pain and I always felt that He was beside me every time I got worried. Thanks to everyone who prayed for me and my baby.

Baby and I are now preparing for the delivery. Baka end of July, baka early August. Pray tayo uli for a safe delivery and a healthy baby ha? Til next update!

3 Responses to “33 weeks! Yey!!!”

  1. Emilyn Says:

    hi kakay, pnapagpray ko kayo ni baby:) see u soon! padala ka parin ng “penguin” pictures>:D

  2. Shaundy Says:

    Grabe Kakay.wala me masabi sau.detailed story.do give updates about your upcoming blessing.GOD bless!

  3. Betsi Says:

    Praying for you and your baby! God bless

Leave a Reply