Suggestions for baby name?

Hi everyone! Just want to share that I’m on my 10th week of pregnancy now. Eboy and I learned about it just before Christmas, and it’s the best Christmas gift. Super mega ingat na si mama kakay this time. Maselan pala ako magbuntis. Di pwede matagtag. Dapat lagi may pahinga. Dapat lagi kumakain, pero iwas sa sweets, caffeine at carbs. Masungit, lalo kapag may masakit. Ngayon nga, wa poise pa ako kasi kamot ako ng kamot dahil maaga akong kinapitan ng PUPPP (ito yung rashes ng pregnancy). Hehe… Yung mga tumatawag nga sa akin ng KG before, Kakay Galis na daw ang meaning nun ngayon. Sabi ko naman, KR na ako ngayon noh (Kakay Rashes naman, wag galis which is so jologs, haha).

Anyway, this post is really to ask for your help to think of nice baby names. Since hindi pa natin alam kung girl or boy, magbigay kayo ng pang-girl at pang-boy. Okie? Thanks a lot!

13 Responses to “Suggestions for baby name?”

  1. Maya Says:

    wow, gosh! congrats dear! happy for you :) ingat, god bless…

  2. Consi Says:

    Mga type kong names — Chase, Cloud, Glisten, Andrea, Amiel, Alex, Kirsten. Hehehe. Take care gurl :)

  3. Aimee Says:

    Aimee?!? haha..
    Tinatry ko pagsamahin ang edward at karen anne: Darren, warren, wayne, eden, dean…hehe wla na ko maisip saka na lang ult :) Dahan dahan lang k?

  4. Emilyn Says:

    emilyn? haha, gnaya ko daw ba ang aimee.

    uy ingat ka na ha. miss na kita:/

  5. Jo Rose Says:

    hi sis! eto nmn ang aking entries…with the help of my friend google…harhar

    BOY
    -wylie
    -trevor/travis (hmm si bokbok??!)
    -cody

    GiRL
    -christie
    -jasmine (si poknat!=P)
    -kasey
    -chloe
    -cadence
    -megan

    ingat kaw sis.wag syado papagod ha.yaan mo na muna si kuya eboy gawa.hehhee.=)mwah

  6. Betsi Says:

    sabi nila happy names daw ibigay para mag-reflect sa buhay. will pray for your safe and happy motherhood :)

  7. Aimee Says:

    Happy? (di ba aso to?) Joy? Joyce? Felicity?

    Betsi, following your advice, nagsearch pa ako ng names that mean happy:

    ADA
    AIDA
    ASHER
    BEATA
    BEATE
    BLITHE
    BLY
    BLYTHE
    CONTENT
    ELATA
    FELICE
    FELIX
    GAINELL
    GAY
    GAYE
    GAYNELL
    HANI
    JABULANI
    JOVIANNE
    JOVITA
    LICIA
    MACARIA
    MACARIO
    MERRY
    VIDOR
    XIN QIAN
    YI
    YI ZE
    YUE YAN
    ZORION

    Ummmm… =O eh magreresearch na lang ulit ako karen. hehe

  8. Kat Says:

    Hi Kakay!

    Congrats! A baby is always a blessing from the Lord. Ingat ingat ka, lalo na sa first trimester mejo delikado. If may time ka tingnan mo itong mga helpful na websites:
    1. http://www.babycenter.com
    2. http://www.babycenter.com
    3. http://www.ivillage.com - yng pregnancy & parenting section dun
    Ok din yung girl talk forum sa http://www.femalenetwork.net.ph na topic is about pregnancy.

    Me nman, on my 15th week of pregnancy. Lapit birthdays ng mga magiging babies natin.

    Anyway, wishing us a happy & safe pregnancy.

    Ano nga pla email mo? May iemail ako sayo na novena ng mga pregnant mothers.:)

    TC always!

  9. Hanna Says:

    wow…congrats…check out this site…baby-parenting.com

  10. Kakay Says:

    thanks everyone! ayan, may i-sho-shortlist na ako. yes, nag-iingat na po ako, sobra. nagiging slave ko na nga ata si eboy eh, hehe… inuutusan ko na, sinusungitan ko pa! kat, my email is kakay_kikay@yahoo.com.

  11. Mark Lester Says:

    type ko yung erica sa girl para ang nickname e, Ekay! kung boy naman trip ko yung victor martin para nickname ay mart, hehehe ingat ka palage.

  12. Thad Says:

    Kakay, sige mula ngayon Kakay Galis na tawag ko sa yo hehehe.

    Suggested nick names
    If boy:
    KaBoy

    If girl:
    EKay
    Karengkeng
    G-Cat (Mountain hahaha)

    O kaya, i-pangalan mo sa name ko hehehe tapos nick name niya “Tadtad”

    NYAYAYAYAA

  13. Kakay Says:

    Hoy Thad! GCAT ka dyan! graduate na ako sa mga GCAT noh… ibang department na ako ngayon. Tama bang ipangalan sa baby ang project ko sa work? ayaw!

    Actually, naging nicknames ko nung bata ako yung Keng (from Karengkeng) at Kang (yung sa mahjong, minsan nga x2 pa ang pagkakasabi). Buti hindi pa naman ako nabansagang KingKong or Kung.

    Mark, cute nga ang ekay, noh?

    Kung boy, may nag-suggest na nuon ng Emman. Pero kay Eboy nya sinuggest. Dapat daw kasi, man na siya dahil matanda na. Tapos, yung baby ang boy. So, yung tatay ay Eman, yung anak ang Eboy. Ay, ewan.

Leave a Reply