Stampede at Ultra

I was listening to the radio this morning (sa DZMM), and I learned about the tragedy that happened today in Ultra. You’ve probably heard about it by now… Pero just in case hindi pa, eto ang kwento. Wowowee (yung noon-time show ni Willie Revillame) was supposed to celebrate its 1st year anniversary today at the Ultra. Madami daw prizes, around Php 2 or 3M ang ipapamigay nila in this event. Kaya lang, sa dami ng tao, nagka-stampede… Nakakalungkot, sobra, kse ang daming namatay. Latest count is 79 people dead. Yung injured, around 300++ people. Haay… Ang lungkot talaga. Most of the casualties are elderly women (age range of 50 and above), pero meron ding 4-yr old kid na namatay. Yun daw batang yun, sinubukang iligtas ng isang lalaki by placing the kid on the roof of the nearby waiting shed. Kaya lang, yung bata, natakot na mahiwalay sa nanay niya, kaya ayun, tumalon pabalik sa crowd, at nadaganan sa stampede.   
 
Haay– sad talaga. Sobra akong affected kasi it all happened at the very same gate kung saan kami naipit-ipit ng girl grpm8s ko nung manuod kami ng unang concert ng F4. Yung, pa-slope ang daan pagkapasok ng gate? Grabe, naalala ko talaga yung gabing yun. Nawala ang aming mga poise. Umuulan. Masikip. Ang hirap huminga. Madilim. Nakatulong ng malaki ang mga binili naming headbands with lights para magkahanapan kami. Nagkapit-bisig kami, at nagtamo ng maraming-maraming pasa. Napa-tuntong sina Chrissie at Aimee sa bakal na railing na hindi stable sa ground (kse nga naka-slope pababa yung daan). Napasigaw na si Chris, "Wag kayong manulak!". Napaupo si Aimee sa sahig sa kakatulak ng mga tao sa likod namin. Hindi ko binitawan si Aimee, hinihila ko siya pataas, sabay command ng "Aimee, tayo! Tayo! TAYO!!!" … Pagkatapos ng concert, umuwi kami ng naglalakad, basa sa ulan. At sangkatutak ang mga sapatos at sandals na walang kapares na nagkalat sa may gate na yun. Naalala nyo yun, girls? 
    
Nakakalungkot lang na pinabayaan ng ABS-CBN na mangyari ule yung ganun. Ngayon, mas malala pa. Nag-organize sila ng ganun kalaking event, at hindi na naman nila pinaghandaan ng maayos ang logistics para sa crowd control. Wala na naman sigurong ushers na nagbabantay sa pila na mag-a-announce ng instructions at magpapakalma sa mga nakapilang tao. Nag-iisa na naman siguro ang binuksan nilang gate. Ang nag-iisang bukas na gate na parang garahe, na pababa ang daan. Ano ba naman ang kayang gawin ng isa, dalawa, o maski na tatlong security guard para pigilan ang pagtutulakan ng maraming tao???   
   
Let’s just pray for the souls and families of those who passed away. Let’s pray for the speedy recovery of those injured. Let’s pray that organizers of big events like this would be more prudent in ensuring the safety of their audience. Sana mas maging conscious sila on the importance of crowd control.

Leave a Reply