Sino Nga Kaya si Max?
Sunday, October 16th, 2005Kagabe, nagkaroon kami ng debate kasama ng aking butihing grpm8s tungkol sa nakalagay na tanong sa isang billboard sa EDSA… Sino si Max? At ayun, unti-unti na naming sinipat ang mga posibilidad…
Sabi ni AIMEE, malamang si Max ay yung may ari ng Restaurant, kasi sa kanya nga naman nagsimula ang paghahain ng ganung klase ng fried chicken. Sa may-ari ang manok, at sa may-ari ang restaurant.
Ang sabi naman ni JOBER, si Max daw ay ang cook, kasi ang tinutukoy sa katagang "Max’s Fried Chicken" ay ang recipe ng tiga-luto. Nag-iisa lang daw ito, at kakaiba, kaya ipinangalan ang resto sa cook.
Sa palagay naman ni JAYVEE ay hindi tao ang sinasabing Max, kundi manok… Ito ay dahil sa ang "Max’s Fried Chicken" ay talagang kinuha sa full sentence na "Max is Fried Chicken!" (Oh, hindi ba? Kung hindi ba naman talaga kakaiba ang hirit ng babaeng ito? hehehe…)
So, sa mga inilahad na mga argumento ng mga grpm8s ko, kanino kaya kayo papanig? You may send in your votes by typing "MAX [space] Grpm8 of your choice [space] Your Name [space] Comments" and send in to Comments at the bottom of this blog.