Workaholic ba ako?
Thursday, August 18th, 2005Workaholic nga ba ako? Tuwing umaga, wala na ako sa bahay ng 7am, babyahe patungong Makati ng mga dalawang oras, by tricycle-taxi-mrt-taxi ule. Tapos, pagdating ko sa office, madalas magsusuklay ako (kse maghapon na akong hindi makakapagsuklay ule). Pagkabukas ng comp ko, dire-diretso na ang mga sagot sa email, tawag sa telepono, sagot sa cellphone, text sa kung sinu-sino, meetings, paglipat-lipat sa ibang floors para makipag-usap kung kani-kaninong boss… Tapos, lunch na, kakain lang sandali ng pagkaing pang-ospital dyan sa may canteen, shemps maalat na naman ang sabaw. Pagkatapos ng ilang kwento about showbiz, doggies and love teams within shell, balik ule sa workstation para maglabas ng mga dokumentong natambak sa inbox ko, matatabunan ng mga papel sa desk, pindot-pindot sa calculator, sulat-sulat sa mga dokumento, maninigas ang mga daliri sa maghapon na paggamit ng mouse, maduduling sa kakatingin sa mga numero sa monitor, madadagdagan ang papel sa desk ko, makakaganti rin naman sa mga boss dahil sa kanila ko naman sunod na itatambak ang sandamakmak sa dokumento… hanggang sa hindi ko namamalayan, 6pm na. may kailangan pa akong i-fax. syet, tapos na ang opis sa labas. pero ako, nagsisimula pa lang mag-init. haay… hindi ata talaga matatapos ito. baka ako pa ang tapusin ng mga dokumentong ito ah… hindi kaya? araw-araw akong 10pm umuuwi. pero, masaya naman ako eh. baka nagkataon lang na ito rin ang napili kong hobby??? at hubby??? hehe… oh well, walang pakialamanan!